*deads*

Hindi ko talaga nais ang maging manunulat, pintor, skultor, photographer, artista, singer, dancer, dishwasher, aktibista, columnista, parlorista, labandera, tindera o ni kahit arkitekto kung tatanungin kung ano ang gusto ko gawin sa dadarating pang taon sa buhay ko. Gusto kong makuntento at maiwan sa mundo ko at bigyan ng kalayaang magbasa, makinig at manahimik.

Kung ubrang di makisalamuha sa iba gagawin ko na talaga. Walang makukuhang sagot, opinyon o kahit isang salita mula sa akin. Hahayaan ko na lang bulukin ako ng mga salita ng ibang tao. Hahayaan ko din silang gawin nila akong basuruahan ng kanilang mga sama ng loob. Ni hindi ko sila tatanungin ng bakit o anong nangyare.

Nakakaradam nanaman ako ng sawa. Nakakaramdam nanaman ako ng marahang pagkamatay sa sarili kong gawi. Bukas o sa makalawa parang gusto kong humiwalay sa sarili kong katawan at takasan ang buhay na paulit ulit.

Le Koi Fish with love.

Kamon. Ayoko na. Nahihirapan ako dun sa details ng fins at buntot! Pumapanget lng lalo. Tama na to!!!! Puta ang noob talaga ang aking skills.*fishing* Di ko talaga alam kung paano kukulayan so yung kaliskis na lang. HAHAHA So pede na itong matawag na DONE! Btw, eto na talaga yung pinaka seryosong nagawa ko so far. Mehehehehe

Naalala ko may taong nagdrawing ng pusa para sa akin. So dahil sobrang bait ko at alam kong alam niyo naman na lahat na mabait talaga ako nagdrawing ako ng isda para sa taong yun na mag-aasume ako na mahilig siya sa isda. Well alam kong di maganda pero pagtyagaan na. *fishing*

Date a guy who smokes

Date a guy who smokes. For he craves for your warmth like he craves for that next, deadly stick. He likes silence and darkness for he broods like a philosopher. His ideas are impeccable and more often misjudged. He would think about the deepest but simplest things in life as nicotine enters his system. Smoke, for example, is something that amazes him — it strikes his curiosity entirely in waves. You see, the pure, white smoke has been with him since forever, he sees it as a friend, as a companion, as a lover, as death. He watches the smoke rise like an ethereal entity, graceful yet ephemeral. Sometimes he wishes to be like it — here now, gone in seconds.

He would lie down in bed with you, naked in the silence, spilling out his ideas and life experiences. It may not show but he likes intellectual talks — he would never say no to a debate for he likes to exercise his mind. He is like a broken down doll — a disturbed and stressful person who would rather smoke a stick than talk to people. Heed not though, for if you keep on pestering him, he’ll get easily attached to you like he is with his sticks. In no time, his world would revolve around you.

Date a guy who smokes, because he is stubborn. He’s sometimes immature and will do whatever he wants. He’ll hurt you. He hurts people for fun. But if he loves you, he’ll treat you different from the others. You’d be like a queen with his embrace — a special entity. He’d give you everything. He’d even drink with you in times of distress.

Date a guy who smokes in public without any inhibition. He likes to blow smoke in front of rude people who looks at him with disgust. That way, you know that he is brave. He would fight for you and be there for you when things go bad. He won’t hesitate to enter a bar-room brawl if he thinks that you were misjudged or your ego was stepped on. He will be your knight in shining armor.

Date a guy who smokes. You see? Most smokers are intelligent and creative. They are brooders, readers, artists or painters — sometimes all. He would serenade you with the deepest thoughts and musings in life. He’d not hesitate to listen to your nonsensical ramblings and rants for he too, has a lot in mind. Date a guy who smokes because like everyone else, he is not perfect. He would think that he’s a useless piece of shit that nobody likes.

Date a guy who smokes because he’s not careless, more like carefree. People would say that he is irresponsible for his actions. But no — he perfectly knows the consequences of his actions. He need not to be reminded about the health risks because he knows… Believe me, he knows. He googled every ‘smoking risks’ after he had that first coughing fit. He does not care about what happens — he just want to live life! We’ll all die anyways and that’s his way to carpe diem. Seize the day! With that, he’d take you to different places and spoil you with the sweetest things in life because he knows that life is too short.

Date a guy who smokes because he needs help. He needs you in his life — to change him and to make him a better person. Date a guy who smokes because he’s looking for that spark — that special someone who would change his nasty ways, who’d tell him to: ‘Stop. Drop that cigarette now.’ Date a guy who smokes because he’s willing to change for you and drop all his vices because he’s madly in love with you that he’d do anything — everything — just to make you happy.

Date a guy who smokes because like everybody else, he’s not perfect.

Date a guy who smokes because he wants to change — not for you but for himself.

SOURCE! [x]

PS: Bawal mag-assume!

Siguro magiging jologs ang astigin kong image kapag umamin ako na nakikinig ako sa mga midnight DJs o yung mga DJ sa Radyo na hihingan ng payo ng mga caller ng samu’t saring opinyon o advice sa kani-kanilang buhay lalo na sa problema sa lovelife. Pero obvious naman na nakikinig lang ako para lang makapulot ng advice pag may humingi sa akin. Minsan nakikinig na lang ako para sumalungat sa opinyon ng mga DJ dahil syempre DJ lang sila at madali lang para sa kanilang sabihin ang mga ganung bagay dahil wala sila sa katayuan ng caller o kaya minsa makikilig kapag nakakatuwa yung story.

Nakagawian ko ng makinig sa ganitong klaseng type ng media simula ng mag-college ako. Nasanay kasi akong yan yung topic ng mga kaibigan ko habang kumakain ng lunch na alas quatro na ata ng hapon naiseschedule. At medyo companion na rin habang inuumaga habang gumagawa ng plates. Bonus na yung mga makalumang tugtugin lang ang kanilang  piniplay. Parang feeling ko nga e kasabayan lang nila Justin Bieber ko nakilala ang Air Supply at Frank Sinatra dahil noon ko lang narinig ang mga kanta nila.

Pero hindi naman talaga sa pagbibigay ng review o introductory para maiangat ang ganitong klaseng media kaya ako gumawa ng entry. Di ko maalala kung kelan yung mismong araw ko narinig yung unang beses ako naapektuhan ng isang caller. Lately lang, last week ata.

Ganito kasi ang kwento, tumawag sa isang DJ itong si Girly para humingi ng opinyon kung tama ba ang pakiramdam niya na gusto siya ni Boyet. Sa pagkakakwento naman nitong si Girly e muka namang nga talagang gusto siya. Kumakain sila sa labas, lagi sila magkausap at nag-i love you sa kanya itong si Boyet. Well papel parehas kaming sumang-ayon ni DJ dahil makikita mo sa bawat salita ng babae na may pagtingin talaga si Boyet dito kay Girly. So dahil syempre kailangan ng confirmation tinwagan ng DJ si Boyet para kay Girly upang makumpirma kung tama yung assume ni Girly at lahat ng mga taga listener. Sa kasawiang palad na wasak ng puso ko ang mga linyang

“Oo alam naman niya na Special siya sa akin e. Special Friend kasi lagi siyang andyan para sa akin.”

Kamoooon!!!!! Ang sakit nun para sa akin kung ako yung Girly. Pero dahil nagmamatapang itong si Girly e ok lang daw siya pero nararamdaman kong wasak na wasak ang puso niya dahil mali ang assume niya. Aminado naman yung lalaki na ginawa naman niya lahat yung nakwento ni Girly pero hanggang “Special Friend” na nga lang daw!  Aray mga trillion times kay Girly. Ang nasabi na lang ng DJ e paasa si Boyet na alam naman nating lahat na totoo. E putanginang buhay nga naman to oh! Pang magjowa na naman na talaga kasi yung pinaramdam ni Boyet kay Girly so tama lang na nag-assume siya.

Nakinita ko tuloy yung sarili ko sa pusisyon ni Girly. Kasi alam niyo naman na dakila akong assumera. Actually kulang pa nga sa pinaramdam sa kanya yung mga nararamdaman ko pero hinanda ko bigla yung sarili ko in case na baka pang special friend lang din ako. At mukang tama nga ako. Well tinanong ko yung Boyet ko kung gusto niya ako well Umoo siya pero parang binawi niya din. Kaya ayoko ng mga explanation kasi magaling siya sa mga ganung bagay. Umoo siya pero may pero. Pinapahalagahan niya pero hindi niya tinitignan yung mas. So oo pa ba yun o hindi na? Labo. Parang di rin naman niya sinagot. Sinagot niya pero parang ako din sasagot kung Oo o hindi yung sagot niya.

Pero isa ang sure ko, mas nagustuhan ko pa siya lalo.

Ligo na U, Lapit na. . . W8 wer na nga b u?

Kung ipaparehas sa isang karakter ang isang parte ng buhay ko e masasabi kong ako yung bida sa librong/penikulang “Ligo na U, Lapit na Me” na si Intoy. Kung di mo alam ang storya aba kamon! Late ka na ng kalahati sa buong buhay ko.

Sabihin na parehas kami ni Intoy na nakakilala ng Jen pero sa sitwasyon ko malamang lalaki yung Jen ko. Isang Jen na dumating at medyo nagpakumplika ng buhay ko. Isang yugto na di ko sigurado kung may next chapter pa o iniwan na lang nakahang ang ending. Isang taong kahit anong ligo mo di nawawala sa sistema mo. Na kahit ilang hilod pa gawin mo parang peklat na habang buhay ng parte ng buhay mo. Pero di tulad ng peklat di ka talaga sigurado kung may bagay kang natutunan sa pagkakadapa kong yun.

Tulad ng kwento, nakakilala ako ng taong hindi ko alam kung tama bang hindi ko inamin na mahal ko siya dahil takot ako sa bagay na baka iwan niya ako, na baka mawala siya dahil di ako yung babaeng nakilala niya. Nasanay ako na parang kami pero yun nga wala pala talagang kami. Ini-enjoy ang bawat isa pero walang ni isang nagsalita kung ano ba talaga ang meron, kung merong salitang “TAYO”. Ginamit ko siya, ginamit niya ako. Kailangan ko pa ba talagang humingi ng mas kung sa anong meron kami? Pede naman talaga akong makuntento. So hinayaan kong dumaan ang buwan na ganun ang takbo ng buhay sa amin.

Pero parehas ng nangyari sa libro at penikula naiwan akong walang nasabi at bakit bigla siyang nawala. Na parang bakit ko nga ba sinayang kung may pagkakataon naman talaga akong umamin. Ano kung sabihin kong mahal ko siya e yun naman talaga nararamdaman ko this time. Ano kung iwan niya ako atleast alam ko kung bakit siya nawala. Para akong librong naiwan na walang ending. Para akong bulalong di tinapos pakuluan.

Tulad ni Intoy di ko na nga siguro kailangan ng closure. Para saan pa? Para bumalik lang sa akin yung sakit na maghintay ng sagot mula sa taong di ko alam bakit umalis. Na sa tagal na ng panahon na nawala siya papahirapan ko lang sarili ko na ulitin yung ginawa kong paglipot kahit papaano sa lahat.

Pero paano kung magkasalubong kami ulit? Paano kung isang araw bigla na lang siya tumayo sa harap ko at iexplain ang side niya kung bakit bigla na lang siya nawala? Hahayaan ko ba siyang bumalik sa buhay ko? Tatanggapin ko kaya siya? Sasabihin ko pa kayang minahal ko siya? O kaya baka may natitira pa talaga.

Dun ko lang din na realize na  totoo nga na may iilang tao ka lang malilibugan. Libog na hindi mo mararamdaman sa iba kahit gaano pa sila ka yummy. So baka naguguluhan lang talaga ako. Baka hindi ko talaga siya minahal. Pero kung ano pa man, ano pang silbi e ok naman na ako. Kung dumating man ang araw na makita ko siya hindi ako manghihingi ng kahit anong closure siguro mag-thank you pa ako.

20 Things I Want To Say To Certain People

So bale nakuha ko to kay thekunwariblog na alam kong kinuha sa iba na kinuha din nila sa iba hanggang dun sa nagpasimula na di ko na talaga kilala. At eto ang mechanics ng kalokohang ito; List 20 things you want to say to certain people but you know you never will but don’t say who they are. GAME!

  1. I just wrote a letter to you. As in yung sulat na hand written sa yellow pad na nakalagay sa sobreng may border na red at blue. Napag-usapan na natin ito na gusto ko nga magsulat sa ilang tao pero nakakainis dahil binigay mo yung address ng bahay niyo kung saan ka hindi nakatira na madaling hulaan kung ano naman talaga yung nakatago sa mga “….” nito. So kanino ko papadala yung sulat dun e wala ka naman dun? Sana yung Nanay mo na lang sinulatan ko o kaya yung Lola mo. Kamooooon!! Dali ibigay mo na lang yung asddress mo kung nasaan ka talaga para maipadala ko na yung sulat ng may kasamang cassette tape. HAHAHA
  2. Hoy TAE! I miss you. Di ko alam kung nasaang lupalop ka ng earth ngayon dahil wala akong pang-load actually alam kong wala ka ding load dahil mahirap nga tayo. Pero namiss na kitang kakupalan. Pero kailangan ko pa ngang magreview diba? So after ko magtake mag-exam sobrang magliligalig na ulit ako sayo. HAHAH
  3. Di ko alam kung ano nakain mo dahil di ka naman madramang tao pero namiss na din kita kaplaytime ng madaling araw. Oo magkikita tayong tatlo nung TAE! SOON! Yang soon na yan e pag may pera na ako o kaya may trabaho ka na. Sige na libre mo na ako! Treat mo na sa amin yun tutal naka graduate ka na. hahahaha
  4. Kung naging lalaki lang ako totohanin ko ‘tong status natin sa facebook e. Alam mo namang mahal na mahal kita at alam kong sobrang mahal mo din ako. Pero yun nga di tayo talo pero pede naman akong gumaa ng paraan. Chos. Sana dumating na yung lalaking mamahalin ka ng tapat kung wala sige ako na lang. Chos ulit. Love yuu BB! Ingatan mo puso ko :) )
  5. Nakakainis dahil kaibigan ko pa ginawa mong girlfriend ‘di tuloy kita malandi. Alam ko namang una ka niyang nakilala kesa sa akin pero tangina sayang yung chance. Sana  ako na lang una mong nakilala.Joks! Pero naku hayaan na natin. Suportado ko naman kayo. HAHAHAHA
  6. Gumagwapo ka ata. Ang sarap mo sanang kantutin kaso may girlfriend ka nga bago pa kita makilala saka may mahal na din akong iba. Sana nung may chance akong pagnasahan kita ginawa ko na ng di ako nanghihinayang ngayon. Pero ok lang kasi one-man-woman na ako ngayon at di na rin ako mahilig sa sex. Well sige di na ako magsisinungaling mahilig pa din ako kaso may pag-aalayan na lang ako.
  7. Ahm wag mo itong masamain pero alam mo bang sana may tayo kung naging pogi ka lang. Well mayaman ka na, medyo matalino, sweet kaso kinapos ka lang ng kagwapuhan. Aminado namang kinikilig ako nung naglalandian tayo kaso everytime na naiimagine ko muka mo piro gilagid mo naaalala ko. Di ako maganda pero yung kapangitan mo dapat na itago na lang sa ilalim ng mga letrang tinitipa mo. At please wag ka masyadong feeling gwapo at mag-astang dapat may girlfriend ka dahil sikat ka lang naman dahil sa mga advice at tips mo na walang kwenta at obvious naman na. Bakit di mo subukang tapatan si Papa Jack? At please wag ka ng magpopost ng picture mooo!
  8. Bata ka pa marami pa yang iba na kaedad mo lang. I mean mas bata ka sa akin at para kang tanga dahil nilalandi mo ako. Alam kong 2 years lang ang agwat natin pero ayoko nga e! Wag ka masyadong makulit kakatext at kakaTA sa akin dahil natatabunan mo yung TA nung crush koooo!!! Ayoko sa taong clingy lalo na wala naman akong kinalaman sa iyo. Please! Hindi ka cool kahit gawin mo lahat ng gusto ko sa lalaki. Tanungin mo naman sana ako ng mabusted na kita. Thank you!
  9. Hoy! Namimiss na kitang putangina ka! Hindi ko alam kung galit ba tayo o bati pero di mo naman ako nireplyan nung matagal na panahon na itinext kita. So i guess galit nga tayo. Pero miss na talaga kita. Namiss na kitang kasamang kumain kung saan saan at maglaro ng DotA. Sana katulad na lang ulit tayo ng dati. Miss na talaga kita.
  10. UYYYYY!! GRABEEEE!!!! SOBRANG MISS NA KITAAAA!!! Pati anak mo miss ko na. Sorry kung no show ko everytime na nag-aaya ka o iniinvite mo ako sa party. Di rin naman kasi tayo nagkakausap kapag nandun na. Miss ko na nung high school tayo na lagi tayo ang magkatabi, yung tipong pati diary ko binabasa mo pa, yung baon ko ikaw kumakain, yung in-orient mo sa akin ang sex, ang pagtatangol mo sa akin sa mga masasamang espiritu at halimaw sa school. Alam mong mahal kita kahit may pamilya ka na. At syempre tulad ng sumpaan nating dalawa BESTFRIEND TAYO FOREVER AN EVER AND EVER kahit madami pa tayong makilalang iba tayo lang mag bestfriend. See you na lang sa birthday ni Yuuki :*
  11. Hi Mister! I really like you as much i like cats and you’re cats too but fuck you for knowing my secret blog. HEHE :3 Oh wait there’s more, please send me a real cat that is made in Japan. Kamooon! Then i’ll love you after that.
  12. Nakakamiss kang katext. Leche ka! Kung papalitan ko man bestfriend ko ikaw na yun pero di mangyayari. Grabe naaalala ko more than 48hrs tayong magkatext at tulog lang ang pahinga. Lecha ka ulit kasi nakadalawang love life ka na ako di pa rin nag-iimprove sa isa. Naiingit ako sa inyo ng bago mo. Lechugas ka. Dapat ako na lang kasi e. Joke! Minsan kasi ano rin e.
  13. Hi BFF. Alam mo namang wala na akong masasabi sayo kundi dalan mo ako ng pagkain. Kakausap lang natin sa skype kahapon at random na madamin na akong nakwento sayo kaya wala na akong masabi. Try ko ulit magbike para puntahan ka.
  14. Hoy ikaw isang BFF ko pa magtino ka nga!!! Tangina ka. Ayokong matulad ka sa mga kagagahan ko kaya tumino ka!
  15. Hi! Recently lang may hangin na nagtulak sa akin na tignan ang facebook mo. Grabe ikaw pa din yung lalaking minahal ko nun parang ang sarap mong mahalin ulit. Di ko alam kung ano talagang nangyari sa atin bakit ako umayaw o bakit hinayaan mona lang din akong umayaw. Sayang yung mahigit na isang taon na meroong salitang “tayo”. Pero apat na taon ng nakalipas. Miss ko na pamilya mo. Miss ka na din nila Mama na di na naka get over sa “Sayang kayo. Kala ko kayo na magkakatuluyan.” Pero tandaan mo may puwang ka pa din sa puso ko. Yeeeee. :”>
  16. Kelan pa kaya yung araw na may aamin ka na sa akin. Kelan ko kaya maririnig yung araw na sasabihin mong gusto mo din ako. Kelan kaya yung araw na may karapatan na akong sabihing mahal kita? Kailan kaya? Kailan?
  17. Sabi nila obvious na daw ang pag-iwas ko sayo para lang mamiss mo ako. Kaso mukang di mo naman talaga ako namimiss. Kagabi di na kita nireplyan kasi gusto ko ako naman yung maghang ng usapan kasi lagi na lang ikaw. Lagi na lang ako yung naghihintay ng reply mo. Sana mamiss mo. Sana.
  18. Kagabi dineny ko na wala akong boyfriend dahil nailike mo yung post ko na “Dear Boyfriend”. Agad agad kitang kinausap para sabihin na wala akong boyfriend. Wala naman kasi talaga. Kung meron man ikaw na yun. Ikaw lang talaga. Sana tayo na lang. Ligawan mo na kasi ako. Teka di mo pa nga pala sinasabing gusto mo ako tas ligaw agad. Pero ok lang kahit wala munang tayo. Basta malaman kong ako lang gsuto mo.
  19. Di ko naman talaga alam ngustuhan ko sayo. Ang boring mo nga kausap pero grabe kinikilig ako sayo kahit wala naman talaga nakakakilig sa pinaggagawa mo. At gusto ko sanag malaman mong nagseselos ako. Nagseselos ako pag may ibang babae kang kinakausap pero syempre di mo nalalaman yun kasi ayokong paki alaman ka dahil wala naman akong karapatan. Atleast nailabas ko na nagseselos ako.Please wag sa harap ko.
  20. Gusto talaga kita ng sobrang grabe. Sana ganun ka din.